binabaha......noon ng grasya sa mundo
binabaha......ngayon ng kalamidad ang mundo,
tao, kelan ka matututo..
binabagyo.... noon ng kabutihan ang mga tao
binabagyo.....ngayon ng kasamaan ang mga tao
saan ka sa dalawang ito
pakaisipin kung tama o mali ang ginagawa mo,
pakaisipin din kung anong kalalabasan ng gawain mo
sinong dapat managot sa kapabayaan mo...
ikaw? siya? sila? o ang mga susunod pa sayo
oh tao kelan ka matututo?
kapag huli at katapusan na ng mundo?
by:jmpurugganan_anthro
matatauhan lng ang mga ibang tao kapag sila na mismo ang nakaranas ng matinding sakuna sa kanilang buhay,.. pero sa puntong ito na nagtatamasa sila ng karangyaan sa buhay hindi pa nila batid ang tunay na hirap at pait ng dulot ng kanilang makataong kagagawan.. -CMD_CHARISSE DAS-AO
TumugonBurahin