Lunes, Agosto 27, 2012

Nasa iyong mga Kamay

Ang sakuna ay isa sa malaking problema na hinhharap ng mundo, ito ay kinatatakutan ng bawat isa sapagkat kamatayan at pagkawal ng mga minamahal ay maaring maranasan kung ang sakuna ay magparamdam.

Sa mundo ay maraming mukha ang matutunghayan at may iba-ibang kaisipan at damdamin ang pinanghahawakan. iniisip sariling kapakanan na siyang dahilan ng kapahamakan ng kalikasan, ngunit kung may kaisipan at damdaming pangkalahatan, maaring sakuna ay maiwasan. palagi tayong nagtatanong ano ang ginagawa ng kataastaasan upang sakuna ay maiwasan, pero ikaw tinanong mo na ba ang sarili mo kung ano ang ginagawa mo para ang problema ay malutas at mahanapan ng solusyon.
Ang masasabi ko ay nakasalalay sa ating mga kamay, aksyon at lakas ng loob nang sakuna ay maiwasan

                                                                                                      by R. Hupayan


Sinasabi ng tao na siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng nilalang sa mundo, dahil sa mataas na lebel ng utak at abilidad, ang masaklap nagiging daan ito upang abusuhin ang mas mababa sa kanya. minsan din sa sobrang kawalan din nalalaman kaya nagkakaroon ng  problema, magkahalong kapabayaan at kasakiman
ikaw anong magagawa mo para maiwasan ito? ang pag-iwas ay mabuti kesa huli ang pagsisi at sinong sisisihin? sinong pagbabayarin, sino ang kawawa? sino ang mga biktima?
                                                         by jm Purugganan


saan ba nagsimula ang salitang "SAKUNA"?
ito bay kagagawan ng tao o sadyang itoy tadhana.?
sanay ang mga sakunang ating nararanasan ay magsilbing aral sa ating upang gumawa o kumilos sa mga bagay na naayon sa kagustuhan ng ating panginoon maging ng nais ng ating lipunan.huwag nating hayaang maggising na lang tayong walang sariling pagkakilanlan, datapuwat magkaroon ng matiwasay at maunlad na pamumuhay.

by: junie jane imba

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento