Martes, Agosto 28, 2012


Katutubong pananaw sa kalikasan at sakuna

Ayon sa mga katutubo, ang kalikasan ay mahalaga sa kanilang pang araw araw ng buhay. Dahil dito nagmula ang kanilang ikinabubuhay. Dito din nila malayang naisapraktika ang kanilang buhay na kultura at tradisyon
Ibig sabihin ang kalikasan ay karugtong ng kanilang buhay.


Dumaan ang maraming taon, naging masalimout ang buhay nila. Ang kalikasang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay.
Winasak, nilapastangan ng mga ganid sa salapi. Hindi manlang nila inisip  ang kapakanan ng susunod pang mga henerasyon,
kundi ang kanilang pansariling kapakanan ang kanilang iniintindi.



Paguho ng lupa, baha at kung ano pang mga trahedya ang ating nararanasan  sa ngayon.Sa pangyayaring ito  marahil, ito na nga ba ang batas ng kalikasan? Sisingilin na tayo ng kalikasan sa ating mga nagawang kasalanan. Ito ay sanhi ng pagiging sakim sa salapi at pansariling kapakanan.


 Kayat sa mga kapwa kong kabataan, katutubo, kumilos na upang sagipin ang naghihingalong kalikasan para ang naka pangingilabot na sakuna ay maiwasan,
Wag magbulagbulagan sa katotohanan, idilat ang inyong mga mata
Gawin ang nararapat ……Ngayon na ang tamang panahon

Kilos mo ay mahalaga, para sa susunod na henerasyon at sa kalikasan

By Allan Olubalang





UNAWAIN MO AKO

          Ang sakuna,y di ma-iiwasan,
Pag tao’y di marunong gumalang,
Kayat itoy nararanasan,
Tag-init man o tag-ulan.

Sakit ay inaayawan ng karamihan,
Subalit itoy nakakamtan,
Damay pa ang mga kabata-ang walang muwang,
Sa hirap na nagbibigay ng kapiitan.

Halina’t sanaying makiisa,
Sapag-alaga sa lahat ng ating nakikita,
Upang panaho’y maitugma,
Sa buhay ng bawat isa.





By: Henry A. Astudillo Jr.





BATO’T TUBIG

Hay!!.. pagdami koy akoy nangingibabaw,
Subalit sa pagpasyal koy akoy di magtatagal,
Ganon paman akoy dapat masanay,
Sapagkat akoy isang tubiglamang na dadapo sa ibat ibang bayan.

Ako nama’y di bastabastang dadami,
Hanggat may malaking bagiyung maghari,
Na siyang wawasak sa aking sarili,
Na siya ding dahilan ng aking pagsisisi.






By: Henry A. Astudillo Jr.
 






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento