Marami ang namamatay, marami ang nawawalang ng mahal sa buhay, maramimg nawawasak na bahay, gusali, at mga infrastraktura at maraming nawawalan ng kabuhayan dulot ng trahedya na noon pa man at sa kasalukuyan ay patuloy na nararanasan.
Sa ngayon, iisang katanungan lang ang nabubuo sa ating isipan "bakit kaya nangyayari ang lahat ito?" Bakit kailangan may mamamatay at may mawalan at maiwan ng minamahal.
Marami-rami na rin ang nangyayari sa ating kapaligiran, na tao rin naman ang may kagagawan. Ang sakuna ay may dalawang anyo ang natural at gawang-tao. Ang natural na sakuna, ito ay ang kalimitang umaatake sa bawat pamayanan subalit ang ang gawang-tao naman ay kalimitang naging dahilan sa pagkabuo ng natural na penomena.
Paano nga ba natin mapipigilan ang hampas ng kalamidad? Kelan pa tayo gagawa ng hakbang para matigil ang ganitong pangyayari? Dapat umaksyon na tayo sa lalong madaling panahon na kung saan ito ay pangungunahan ng mga kabataan sa kasalukuyan. Sa kanila nakasalalay ang bukas at kapakanan ng sanlibutan.
ni: Mark Kevin Molero
SAKUNA
May takot na bumabalot sa pusong marami dahil sa sakunang nakita natin sa ating kapaligiran, ang tumututol.......... biglang nawawala..........at matatagpuan na lamang na wala nang buhay sa bukirin, mahal natin sa buhay na nawala na sila sa mundong ito, kaya't sa dulot ng sakuna.
sapakat ang mga tao nagtanong sa ating panginoong may kapal na lumikha sa lahat. galit ka ba sa amin, o dios na aming manlilikha? nagkulang ba kami sa paggampanan ng aming tugkulin bilang taga-pagpangalaga ng kagubatan.
ngunit ang tao ang magbigay ng solusyon sa sakunang dumating sa buhay at sa ating kapaligiran, gayun paman ang tao ay dapat siyang gumising sa kanyang ginagawang kamalian sapagkat nag-bunga ito ng sakunang makasira sa kalikasan, daan, infrastraktura. at lalong- lalo na sa may buhay na nakatira sa ating mundo na nawala dahil sa sakuna.
ni: Roger K. Fado (AB anthropology)
SINO BA ANG DAPAT SISIHIN?
Mahal kung kaibigan halika't pag masdan,
ang pangyayari na di alam kung ano ang tunay na pinag mulan,
na ngayon ang aking puso't isipan ay naguguluhan,
dahil sa patuloy na pag kasira ng ating kapaligiran,
ang sakuna ang s'yang naka pangingilabot na dahilan.
Sino ba ang dapat sisihin sa mga ganitong usapin?,
kung alam n'yo lang sana, ay iyong gunitain,
na ang tao ay may malaking kinalaman sa ganitong usapin,
bigyan ninyong pansin ang aking mga pangitain,
na darating ang panahon, kalikasan tayo ay kanyang sisingilin.
kaya mga kaibigan halina't sumama,
habang may panahon pa kikilos kana,
para ang ng mga bata malayo sa sakuna,
tunay sa kamay natin nakasalalay ang buhay nila,
dahil sila ang pag asa para ang bansa natin ay guminhawa.
kaya ngayon maawa ka,pagputol ng puno itigil niyo na,
ang paglason ng ilog kung maari ihinto na,
baka darating ang bukas ,pamilya mo ang magdusa,
sana pakingan n'yo ang kanilang buntong hininga,
na nandahil sa isang sakuna, na kung susriing mabuti ay may kinalaman KA...
ni:Dionesio Lumawas Jr, A.
ako ay labis na nasisiyahan sapagkat .... Marami- rami pala sa atin ang nagkakaroon ng paki alam sa ating kapaligiran.. - DApat lang naman sapagkat tayong mga future anthroplogists ay kinakailngang mapagmasid sa ating lipunan lalong lao na sa ating minamahal at pinapahalagahang kapaligiran. ! Ako ay lubos na sumasang-ayon sa inyong mga ibinahagi at alam ko na masasagot din ninyo ang mga iniwan ninyong tanong at puna sa komposisyon na inyong ginawa.. na sana kayo mismo ay gumawa rin ng sarili ninyong hakbang upang masugpo ang mga pangunahing dahilan ng SAKUNA .. (cHARISSE dAS-AO)..
TumugonBurahin