Ako si kalikasan ang siyang biyayang galing sa maykapal
Maipagkaloob ko sa inyo ang inyong pangangailangan
Ako'y bahagi na ng inyong buhay
Ako naman si kayaman, hatid ko'y kasaganaan
Ng dahil sa akin tao'y lumigaya
At namuhay ng may karangyaan
Tao'y makinig ka sapagkat buhay mo'y sa akin nakasalalay
Gumising ka't pansinin ang inyong kalagayan
Kayamana'y naghatid sa inyo ng kasakiman
Ligayay hindi makamtan
Oh! kalikasan tumigil ka't wala kang mapapala
Sapagkat sa kayamanan tao'y tumitingala
Buksan mo ang iyong mata sa katotohanan
Na ika'y kanilang pinabayaan
Ikaw kayaman hatid moy' ka hindik hindik na sakuna
Mga trahedyang hatid ay kamayan
Salinbuta'y iyong pinahihirapan, hindi mo ba nakikita ang iyong pinagagawa
Ako'y munti munang ubusin dahil sa iyong kasakiman ako'y lubusang lumuluha.
Patawad kalikasan tao'y sa akin sumasamba
Nais kong silay aking sakupin
At mundo'y mapasaakin
Tao imulat mo ang iyong mga mata, puso'y ko'y nasasaktan
Kapag kayo'y nakikitang nahihipan,
Sakuna'y inyong pigilan huwag hinatayin ang kinabukasan
Kalikasa'y nyong pangalagaan upang biyaya ni ama'y inyong makamtan
By: Daphny Ambe (AB Anthropology)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento