Miyerkules, Agosto 29, 2012

“Kalikasan ay Pangalagaan Tungo sa Maunlad at Mapayapang Kapaligiran upang Sakuna’y Maiwasan”
NI: A. MAULINGAN



“Pagsira sa Kapaligiran ay Tigilan sapagkat Sakuna’y Nakalaan bilang Kaparusahan”

NI: A. MAULINGAN



Hiling ng Tao
(NI: R. AGABAYAN)

Sa panahon ngayon, sakuna’y laging nararanasan.
Mga trahedya na hindi inaasahan.
Mga mamamayan ay nahihirapan.
Dahil kinabukasan nila ay naaapektuhan.

Sakuna’y nangyayari dahil sa ating kagagawan.
Pagputol ng malalaking kahoy, di maiwasan.
Di iniisip ang kinabukasan.
Lalo na sa mga batang nangangailangan.

Maraming bata ang gumagawa ng sariling kaisipan,
Upang kahirapan ay maiwasan.
Kagutuman ay kinalimutan.
Upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Kung ating iisipin,
Kalikasan nasasaktan din.
Nahihirapan sa pinaggagawa natin.
Kaya nagkakaroon ng hinanakit sa atin.
Dahil sa pag-aabuso ng bawat isa sa atin.


SAKUNA
(NI: S. BULDING)

            Ito ay mahirap tanggapin sa mga taong labis na naaapektuhan. Isip nila dito ay mahirap makabangon. Dahil ang mga trahedyang di inaasahan ay nagiging dahilan kung bakit ang mga mamamayan ay patuloy na lumalaban sa agos ng buhay. Kung napapansin nati sa ngayon, an gating kagubatan ay unti-unti nang nasisira dahil sa kagagawan ng mga tao. Tao na siyang dahilan ng pagdagsa ng mga trahedya tulad ng baha, lindol at ang kahirapang rumaragasa at kasawiang naging bahagi na ng buhay ng bawat nilalang. Sabi nga nila ang kahirapan ay di hadlang sa pagtahak ng tagumpay. Pag nadapa ka, kailangan mong bumangon at harapin ang panibagong buhay.





1 komento:

  1. Patulay lang. Hwag kalimutang i-acknowledge ang photos, ideas at mga salitang di sa inyo. Magbigay ng kaukulang pagkilala sa may akda/sources.

    smc

    TumugonBurahin