Pangalagaan ang
Inang Kalikasan
(NI: DAVID E.TAMBOON)
Kalikasan ay kailangan nating alagaan, para di natin makamtan
ang hinagpis at kalupitan ng ating inang kalikasan, ang Panginoong maykapal ang
siyang may gawa ng mundo, para tayong mga tao ang makinabang nito. Alagaan
natin, huwag nating abusuhin, sadyang ang kalikasan lamang ang kayamanan natin.
May Lumad na siyang modelong nagbibigay pansin sa ating Inang
kalikasan, kaya’t huwag natin silang apihin, katulad ng pagsira sa mundo natin,
Panginoon na siyang pinagmulan, huwag na nating pakawalan, sadyang kalikasan
lamang ang siyang nagbibigay sa atin ng kagandahan.
Kung napapansin nyo mga kaibigan, maraming tao ang nahihirapan,
dahil sa mga ginagawang kalukuhan,
pagmasdan nyo ang kapaligiran, kung siya ba’y nahihirapan, huwag nating hayaan
na tayo ay mauubosan ng likas na yaman.
Mayaman ka man o mahirap tulungan nating maibangon ang ating kalikasan, upang maging sagana ang pamumuhay ng ating kababayan, O aming Inang kalikasan sana po kami’y iyong maintindihan, David po’y iyong maasahan na nag-aaral sa Pamulaan.
TAMA....ALAGAAN NATIN ANG KALIKASAN UPANG MAIWASAN NATIN ANG MGA SAKUNA TULAD NG BAGYO,PAGGUHO NG LUPA, LINDOL AT IBA PANG MGA KALAMIDAD NA MAKAKASIRA NG KABUHAYAN NG BWAT TAO.
TumugonBurahin(NI: A. MAULINGAN)