Tao gumising ka!
Imulat ang iyong mga mata
at tunghayan ang iba't-ibang sakuna
na nagpapahamak sa buhay ng madla
Tao gumising ka!
ng bukas mo'y maisalba
kapaligira'y pansinin mo
at dinggin ang kanyang panghihingalo
Tao gumising ka!
sagipin ang inang kalikasan
upang kalamidad ay maiwasan
at makamtan ang hinahangad na kapayapaan
Tao gumising ka!
buhayin ang kalikasang nawawala
tulungan mong lumago ang kalikasang nakakalbo
upang sa sakuna'y, tayo'y malayo
By: Janiecel T.
Hawak Kamay
Ikaw ba'y tagapangalaga ng kalikasan
na ginagampanan ang tungkulin?
o ikaw ba'y tagawasak ng kalikasan
na kinakalimutan ang kinabukasan?
Isipin mo ang iyong kapaligiran
ng malaman mo ang iyong tungkulin
at mabigyan ng katuparan
ang dalangin ng mga kabataan
Pagiging makasarili ay iwaksi
ng kabutihan ay maibahagi
sa mga madlang nagdadalamhati
at mabuting kalusugan ang tanging hinihingi
Hawak kamay nating ibangon ang kalikasan
ng sakuna ay maiwasan
at kaunlaran ay makamtan
tungo sa tunay na kapayapaan
By: Janiecel T.
Tao..... May Magagawa ka!
Ang kalikasan noon ay sariwang-sariwa
Tao'y namumuhay ng masagana't payapa
Kontento na sa mga bagay na nakikita sa lupa
Na siyang Poong Maykapal ang may gawa.
Lumipas ang panahon, tao'y naghahanap
Nag-imbento't gumawa ng mga istruktura
Inang kalikasa'y unti-unting kinunan ng buhay
Upang kanilang luho'y mabigyan ng kulay.
Mayroon mang mga kalamidad noon
Pero ito'y natural na timpla ng panahon
Ngunit kung iyong papansinin sa ngayon
Tao ang dahilan kung kayat kalamidad ay naranasan
Tao.....may magagawa ka!!!
Kung sa sarili mo, ika'y may prinsipyo't disiplina
Magtanim ng mga puno't, huwag magtapon ng basura
Kahit sa simpleng paraan naman may maitulong ka.
by: S.Matangong
Ang aking Maliit na Tinig
Akoy isang buto na tumubo dito sa mundo
Marami ang mga nag-alaga sa akin pati katutubo
Ngunit sa pagdami ng mga tao, buhay koy nagbago
Imbis akoy lalaki at masilayan ang kasamahang gaya ko
Butong tulad ko ay unti- unting nawawala.
Pagdating ng sakuna maraming tao ang nababahala
Lumingon ako doon at dito
Ang nanay kong punong-kahoy at kapatid
Putol na at tangay ng malakas na agos ng baha.
Wala akong magawa, sapagkat maliit kong tinig
ay hindi naririnig
Tulungan mo ako malaking tao
Na ang iyong boses ay mas naririnig ng kapwa mo tao
Tapon doon at dito ng mga basurang galing sa tao
At maging sa pagputol ng kahoy ay sana.
Mapigil mo ! malaking tao,
Maawa ka sa akin, na sana ang butong kagaya ko
ay lumaki at lumago.
Dingin mo malaking tao ang maliit kong tinig na
na humuhingi ng tulong......
Tao, tulungan mo ako
.
by. Gawahan, Pinky Rose
Maiwasan lang natin ang tinatawag na sakuna kapag ang bawat isa sa atin ay pangangalagaan ang kalikasan. Huwag natin itong abusuhin upang sa ganun walang mangyayaring sakuna katulad ng baha. Dapat iwasan natin ang mga bagay bagay na siyang nagdudulot ng hindi maganda sa ating kalikasan. Iwasan ang palaging pagputol ng mga punongkahoy dahil yon ang naging pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong pangyayari.
Dapat magtanim ng mga punongkahoy at huwag natin itapon ang ating mga basura kahit saan saan lang .Dapat ilagay natin ito sa tamang paglalagyan at sundin natin ang tinatawag nating 3R'S kung saan ito ay ang REUSE REDUCE RECYCLE.
By; Alas, Mary Ann A.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento