MGA SAKUNA
Sa araw na ito ako ay labis na nalulungkot
Dahil na siguro sa malubhang pagsubok
Pagsubok na walang hanggan at nakakatakot
Na sa ngayo'y sa kasiyahan ako'y nakalimot
Lagi kong iniisip ang ating mga kababayan
Na sa iba't ibang dako ng mundo namamahay
Nanghihingi ng tulong kahit kunti man lang
Dala ng matinding sakuna na kanilang dinaanan
Kahit saang sulok ng daigdig, ang sakuna ay palaging nariyan
Na maski sa telebesyon ay araw-araw nasususubaybayan
Lindol, baha, bagyo, sunog at iba apang kinatatakutan
Na nagdudulot ng masidhing kasawian
Kaya naman kapatid- gumising ka na sa katotohanan
Na tayong mga tao ang siyang dahilan sa sakunang di na mapigilan
Dahil sa pagkamakasarili at kawalan ng disiplina sa sarili
Ang kalikasan ngayon ay nagmumunimuni
Kailan kaya tayo matatauhan sa matinding sitwasyon sa kasalukuyan?
Kapaligiran at kalikasan sana'y ating nang pangalagaan
Nang sa gayon ang Poong Maykapal ay masiyahan
Tiyak ilalayo tayo sa anumang sakuna at kapahamakan.
------CMD charisse Mae Das-ao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento