“Tao ang Siyang Dahilan sa Pagkasira ng Kalikasan”
(NI: FADO, ROGER)
Ako si kalikasan ang magmamay-ari ng
lahat nang yaman dito sa sanlibutan,
Ako rin ang inyong buhay at
napagkukunan ng inyong pang-araw-araw na pangangailangn,
Ngunit kung ako’y inyong pinabayaan
at pinagwalang bahala lamang,
Kayo rin na tao ang mahihirapan,
Dahil sa inyong kapabayaan sa inang
kalikasan at walang mapagkukunan.
Ako rin ang inyong ilaw sa bawat
sandali ng inyong buhay, na handang ibigay ang inyong mga kinakailangan,
At nagbibigay kasiyahan din ako sa
karamihan,
Ngunit masasabi kong inalagaan niyo
ba ako? O sadyang pinagkukunan lamang.
Sakuna! Sino nga ba ang may sala, ako
nga ba na kalikasan o kayong mga taong mapagsamantala sa inang kalikasan.
Ginagawa niyo nga ba ang dapat o
sapat para sa kalikasan, para manatili itong buhay
At masaganang pinagkukunan at huwag
itong baliwalain lamang sapagkat ito’y inyong buhay.
Bagkus ito pa nga ang inyong
pagkaabalahan, kaysa mga bagay na pansarili lamang,
Di dapat ito sirain ng kahit nino
man, sapagat ako ay may masamang dulot
na hatid sa inyong kalusugan, kung ako’y
sisirain lamang.
Kaya dapat ninyong malaman, na ang ating kalikasan ay dapat nating pangalagaan,
Dahil ito ang parte ng ating buhay.
HAMON SA KABATAAN
(ni:
R. DONATO)
Maraming sakuna ang ating nararanasan,
Noon, ngayon at hanggang kailan pa?
Maraming tao ang naapektuhan,
Na hindi naman sila ang may kagagawan.
Hanggang kalian tayo magigising sa katotohanan,
Na ang kalikasan ay dapat alagaan,
Ipagtanggol at huwag pabayaan,
Dahil ito ang ating tanging yaman.
Tayo’y magtulungan at magkaisa,
Upang maiwasan ang pinangangambahang sakuna,
Buhay ay mawawala tulad ng paglustay ng pera,
Kaya ito’y bigyang halaga, isapuso’t isagawa,
Panibagong pag-asa ang masisilayan,
Kung ang lahat ng tao ay may kaalaman,
Lalo na kung nangunguna ang mga kabataan,
Sa pagiging makakalikasan.