ang kalikasan ay pugad ng taong bayan
siyang nag bibigay pag asa sa kabataan
nag sisilbing sandigan ng ating mamayan
ngunit ngayon tila pinabayan na.
kaya hamon ko sa mga kabataan
ating patunayan na tayo ang pagasa ng bayan
sagipin natin ang naghihingalong kalikasan
para sa ating magandang kinabukasan.
kaya halina't sumama
sa amin makiki isa
para mangunguna sa pag ligtas sa kanya
baka darating ang araw na tayo ay lisanin niya.
ang panawagang ito ay galing sa kalikasan
na nag susumamo na sana ay matugunan
nating lahat ang sakuna na dulot ng kapabayaan
kaya wag nang mag alin langan ako ay iyong samahan..
BY.CRAS MAE DEGOLLADO
SAKUNA
Linggo, Oktubre 14, 2012
Huwebes, Setyembre 6, 2012
Linggo, Setyembre 2, 2012
Imahe ng matingding pagbabago!
Ang larawang ito ay nagpapakita ng nakaraang sitwasyon at sa kasalukuyang sitwasyon ng ating Kapaligiran o Kalikasan.. na kung saan.. makikita natin noon na ang ating kapaligiran ay sariwang sariwa pa sa anupamang klase ng polusyon at mas lalong higit ng anong uri ng sakuna... Bagamat matutunghayan din natin ang kabilang panig kung saan makikta na natin ngayon ang malaking pagbabago.. lahat ng bagay at sulok na ng mundo ay naging komplikado at magulo.. Bilang mga kabataan sa kasalikuyang henrasyon kailangan nating guamwa ng sarili nating paraan upang masugpo at matulungang ibangon ang ating kalikasan sa matinding pagkasira at pagkalugmok.. KABATAAN----- GUMISING KA AT GUMAWA NG AKSYON! ---charisse mae das-ao
Miyerkules, Agosto 29, 2012
“Tao ang Siyang Dahilan sa Pagkasira ng Kalikasan”
(NI: FADO, ROGER)
Ako si kalikasan ang magmamay-ari ng
lahat nang yaman dito sa sanlibutan,
Ako rin ang inyong buhay at
napagkukunan ng inyong pang-araw-araw na pangangailangn,
Ngunit kung ako’y inyong pinabayaan
at pinagwalang bahala lamang,
Kayo rin na tao ang mahihirapan,
Dahil sa inyong kapabayaan sa inang
kalikasan at walang mapagkukunan.
Ako rin ang inyong ilaw sa bawat
sandali ng inyong buhay, na handang ibigay ang inyong mga kinakailangan,
At nagbibigay kasiyahan din ako sa
karamihan,
Ngunit masasabi kong inalagaan niyo
ba ako? O sadyang pinagkukunan lamang.
Sakuna! Sino nga ba ang may sala, ako
nga ba na kalikasan o kayong mga taong mapagsamantala sa inang kalikasan.
Ginagawa niyo nga ba ang dapat o
sapat para sa kalikasan, para manatili itong buhay
At masaganang pinagkukunan at huwag
itong baliwalain lamang sapagkat ito’y inyong buhay.
Bagkus ito pa nga ang inyong
pagkaabalahan, kaysa mga bagay na pansarili lamang,
Di dapat ito sirain ng kahit nino
man, sapagat ako ay may masamang dulot
na hatid sa inyong kalusugan, kung ako’y
sisirain lamang.
Kaya dapat ninyong malaman, na ang ating kalikasan ay dapat nating pangalagaan,
Dahil ito ang parte ng ating buhay.
HAMON SA KABATAAN
(ni:
R. DONATO)
Maraming sakuna ang ating nararanasan,
Noon, ngayon at hanggang kailan pa?
Maraming tao ang naapektuhan,
Na hindi naman sila ang may kagagawan.
Hanggang kalian tayo magigising sa katotohanan,
Na ang kalikasan ay dapat alagaan,
Ipagtanggol at huwag pabayaan,
Dahil ito ang ating tanging yaman.
Tayo’y magtulungan at magkaisa,
Upang maiwasan ang pinangangambahang sakuna,
Buhay ay mawawala tulad ng paglustay ng pera,
Kaya ito’y bigyang halaga, isapuso’t isagawa,
Panibagong pag-asa ang masisilayan,
Kung ang lahat ng tao ay may kaalaman,
Lalo na kung nangunguna ang mga kabataan,
Sa pagiging makakalikasan.
“Kalikasan ay Pangalagaan Tungo sa Maunlad at Mapayapang Kapaligiran upang Sakuna’y
Maiwasan”
NI:
A. MAULINGAN
“Pagsira sa Kapaligiran
ay Tigilan
sapagkat Sakuna’y
Nakalaan
bilang Kaparusahan”
NI: A. MAULINGAN
Hiling ng Tao
(NI: R. AGABAYAN)
Sa panahon ngayon, sakuna’y laging nararanasan.
Mga trahedya na hindi inaasahan.
Mga mamamayan ay nahihirapan.
Dahil kinabukasan nila ay naaapektuhan.
Sakuna’y nangyayari dahil sa ating kagagawan.
Pagputol ng malalaking kahoy, di maiwasan.
Di iniisip ang kinabukasan.
Lalo na sa mga batang nangangailangan.
Maraming bata ang gumagawa ng sariling kaisipan,
Upang kahirapan ay maiwasan.
Kagutuman ay kinalimutan.
Upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Kung ating iisipin,
Kalikasan nasasaktan din.
Nahihirapan sa pinaggagawa natin.
Kaya nagkakaroon ng hinanakit sa atin.
Dahil sa pag-aabuso ng bawat isa sa atin.
SAKUNA
(NI: S.
BULDING)
Ito ay
mahirap tanggapin sa mga taong labis na naaapektuhan. Isip nila dito ay mahirap
makabangon. Dahil ang mga trahedyang di inaasahan ay nagiging dahilan kung
bakit ang mga mamamayan ay patuloy na lumalaban sa agos ng buhay. Kung napapansin
nati sa ngayon, an gating kagubatan ay unti-unti nang nasisira dahil sa
kagagawan ng mga tao. Tao na siyang dahilan ng pagdagsa ng mga trahedya tulad
ng baha, lindol at ang kahirapang rumaragasa at kasawiang naging bahagi na ng
buhay ng bawat nilalang. Sabi nga nila ang kahirapan ay di hadlang sa pagtahak
ng tagumpay. Pag nadapa ka, kailangan mong bumangon at harapin ang panibagong
buhay.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)